Basura ng S. Korea ibabalik – DENR
MANILA, Philippines — Nangako ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ibabalik ng Pilipinas sa South Korea ang mga basura nitong nakapasok sa ating bansa.
Ito ayon kay DENR Undersecretary for Solid Waste Management and LGU Concerns Benny Antiporda ay kapag napatunayan ng ahensiya na hazardous ang laman ng shipment na naideklarang “plastic synthetic flakes” ng consignee nito.
Sa ngayon anya ay nagsasagawa na ng waste analysis ang DENR sa pamamagitan ng Environment Management Bureau (EMB) hinggil dito.
Sinasabing ang naturang shipment ay nanggaling sa South Korea mula sa kumpanyang Verde Soko II Industrial Corporation na nag-ooperate na 4.5 ektaryang waste recycling facility sa Phividec Industrial Estate sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Ang naturang shipment ay dumating sa MCT noong ?July 21 sakay ng MV Affluent Ocean na may bigat na 5,100 toneladang basura.
Lumalabas na naglalaman ang shipment ng gamit na dextrose tubes, gamit na diapers, batteries, bulbs at electronic equipment.
Nabatid na ang naturang shipment ay hindi sakop ng DENR-issued importation clearance at ang consignee na Verde Soko ay hindi rin rehistradong importer na recyclable materials.
- Latest