^

Bansa

Lapeña kinasuhan sa DOJ

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Lapeña kinasuhan sa DOJ
Kaugnay ito ng pagkawala ng isang daan at limang containers sa Port of Manila nitong Marso.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sinampahan ng National Bureau of Ingvestigation sa Department of Justice ng graft at administrative complaints si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña at iba pa.

Kaugnay ito ng pagkawala ng isang daan at limang containers sa Port of Manila nitong Marso.

Ayon kay NBI Spokesman Atty. Ferdinand Lavin, dawit din sa reklamo ang iba pang mga tauhan ng customs na may kinalaman sa kontrobersya.

Nakasaad sa reklamo na nilabag nina Lapena ang section 3 ng Republic Act no. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Magugunitang sa mahigit 100 containers na nawawala, walumpu’t lima dito ay natagpuan na ng Bureau of Customs sa Meycauayan, Bulacan.

Una na ring iginiit ni Lapeña na hindi droga mula sa China ang laman ng container van kundi pawang mga porselana lamang.

Inilipat si Lapeña sa TESDA sa kalagitnaan ng  legislative inquiry hinggil naman sa bilyong halaga ng  shabu na pumasok sa bansa.

Itinalaga naman si da­ting Armed Forces chief Rey Leonardo Guerrero kapalit ni Lapeña.

Samantala, iginiit ni House of  Representatives Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Sur Rep. Robert Ace Barbers na walang pananagutan si Lapeña sa umano’y pagpupuslit ng shabu sa bansa.

Ginawa ni Barbers ang pahayag sa patuloy na imbestigasyon ng kanyang komite kaugnay sa walang kakayahan ng BOC para mapigilan ang large scale smuggling ng illegal na droga sa bansa.

Para pa kay Barbers, walang nakikitang kinalaman si Lapeña sa pagpapalusot ng mga kontra­bado.

Bukod dito wala rin umanong accountability ang dating hepe ng BOC kung ang pag uusapan ay command responsibility sa nasabing insidente ng smuggling. (Gemma A. Garcia)

vuukle comment

ISIDRO LAPEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with