Faeldon wala pang formal appointment
MANILA, Philippines — Wala pa umanong pormal na appointment na inilalabas ang Malacañang kaugnay ng paghirang kay Dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ginawa ng kampo ni Faeldon ang paglilinaw makaraang ihayag kamakailan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na halos isang buwan matapos maitalaga sa BuCor ay hindi pa rin daw nagpapakita sa kanyang tanggapan sa kawanihan si Faeldon.
Sa isang pahayag na inilabas ng legal team ni Faeldon, tinukoy na wala pang aktwal na paghirang na nanggagaling sa Malacanang kaugnay sa bago umano niyang posisyon.
- Latest