Senate probe sa palit-puri hingi
MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Senator Leila de Lima sa Senado ang napaulat na “sex-for-freedom” scheme o palit-puri kung saan sangkot umano ang ilang tiwaling miyembro ng Philippine National Police.
Sa Senate Resolution No. 930, hinikayat ni de Lima ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na imbestigahan ang isyu at tingnan kung totoong nabibiktima rin ang kamag-anak ng mga bilanggo.
Nauna rito, napaulat na ginahasa ang isang teenager na pinangakuan na palalayain ang kanyang mga magulang na nakulong dahil sa kaso ng ilegal na droga.
Ayon naman sa Center for Women’s Resources (CWR), nasa 56 pulis na ang sangkot sa 33 “state-perpetrated cases” laban sa mga kababaihan simula ng maging Pangulo si Pangulong Rodrigo Duterte.
- Latest