Ito’y kasunod na rin ng pagtatanggal ng mga naturang asignatura bilang core subjects sa kolehiyo.
Geremy Pintolo
Pagtuturo ng Filipino at Panitikan palalakasin
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Education na palalakasin pa nila ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan sa ilalim ng K to 12 program ng pamahalaan.

Ito’y kasunod na rin ng pagtatanggal ng mga naturang asignatura bilang core subjects sa kolehiyo.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi maaaring basta na lamang isaisantabi at talikuran ang mga naturang asignatura, dahil ito aniya ang siyang nagpapaalala sa atin ng pagiging Filipino.

Aniya pa, kahit inalis na sa kolehiyo, kasama pa rin ang naturang dalawang subjects sa basic education, gayundin sa senior high school, partikular na sa Liberal Education at Social Sciences.

Nauna rito, kasabay nang pagkatig ng Mataas na hukuman sa ‘constitutionality’ ng K to 12 program ay sinabi nitong maaari nang alisin bilang core subjects sa Kolehiyo ang Filipino at Panitikan.

LEONOR BRIONES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with