Rep. Imelda Marcos
Imelda guilty sa 7 counts ng graft
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan si dating first lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa mga kasong graft dahil sa umano’y financial interests nito noong siya pa ang Minister of Human Settlements at interim member ng Kongreso.

Base sa desisyon ng Sandiganbayan 5th Division, guilty beyond reasonable doubt si Marcos sa 7 counts ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at nahatulang mabilanggo ng anim na taon at isang buwan, hanggang maximum na 11 taon sa bawat bilang ng graft case na kinakaharap nito.

Hindi na rin siya pinapayagang humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.

Inutos na ng korte ang pagpapalabas ng arrest warrant laban sa 89-anyos na mambabatas.

Batay sa case information na inihain noong 1991, kinasuhan si Marcos ng 10 counts ng graft sa umano’y interests at pakikibahagi nito sa management ng ilang non-government organizations sa Switzerland mula 1978 hanggang 1984.

Nabatid na hindi pinahihintulutan ng batas si Marcos, na dating Minister of Human Settlements, Metro Manila Governor at miyembro ng Interim Batasan Pambansa, na makibahagi sa naturang mga negosyo.

Ang mga kwestiyunableng foundations ay ang Vibur Foundation, Maler Establishment, Trinidad Foundation, Rayby Foundation, Palmy Foundation, Aguamina Foundation at Avertina Foundation.

Inakusahan din ng Ombudsman ang biyuda ni dating Pres. Ferdinand Marcos ng pagkamal ng ill-gotten wealth na nagkakahalaga ng $30 miyon sa isang bangko sa Banque Paribas.

Sa kabila nito, inabswelto naman si Marcos sa tatlo pang bilang ng kasong graft.

Hindi naman nakadalo sa pagdinig si Gng. Marcos bagamat natanggap ng kanyang tanggapan ang notice of promulgation  at ang kanyang abo gadong si Atty.Robert Sison, kaya pinagpapaliwanag sila ng Sandiganbayan sa loob ng 30-araw.

Sa kabila ng nasabing desisyon, nilinaw naman ni Prosecutor  Ryan Quilala na maaari pa ring tumakbo bilang gobernador ng Ilocos Norte si Marcos para sa 2019 elections dahil hindi pa naman final at executory ang desisyon ng Sandiganbayan at maaari pa siyang umapela.

IMELDA MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with