Umabot sa 51 percent ng 1,500 respondents o 5 mula sa 10 Filipino ang umayon sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Michael Varcas
Drug test sa estudyante aprub sa Pinoys
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mayorya ng Filipino ang pumabor sa isinusulong na mandatory drug test sa mga mag-aaral mula Grade 4 pataas batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Umabot sa 51 percent ng 1,500 respondents o 5 mula sa 10 Filipino ang umayon sa panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nasa 36-percent naman ang hindi sang-ayon, samantalang 13-percent ang hindi sigurado.

Sa ilalim ng datos, mas maraming sumang-ayon sa Visayas sa 69%, sinundan ng Metro Manila, 53%; at Mindanao, 51%.

Kaunti naman ang sumuporta sa Luzon sa 42%.

Kung maaalala, iminungkahi ni PDEA Director General Aaron Aquino ang nasabing panukala dahil sa mga kaso ng pagkakahuli sa ilang estudyante ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala, suportado ng Malacañang ang mandatory drug test ng PDEA sa mga mag-aaral mula Grade 4 pataas sa lahat ng paaralan sa bansa.

“At least parents will know whether or not their children are addicted or being used in the drug industry,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Wika pa ni Panelo, ang panukalang ito ay para din naman sa kaligtasan ng bawat pamilya lalo’t suportado din ito ng mga magulang ng mga mag-aaral.

Hindi rin nakikita ng Palasyo na may nilalabag na batas ang panukalang ito ng PDEA.

“As I said, I don’t think a parent will disagree or oppose such an idea. As a parent I will want it because we will never know how our children in schools will be influenced or used by persons outside the family,” dagdag pa ng presidential spokesman.

DRUG TEST SOCIAL WEATHER STATIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with