Bukod kay Revilla, hahatulan na rin ang kanyang mga kapwa akusado na sina Atty. Richard Cambe na dati niyang aide at umano’y pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.
Michael Varcas
Bong Revilla hahatulan na sa Dis. 7
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 9, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Babasahan na ng hatol ng Sandiganbayan sa Dis­yembre 7 si dating Sen. Bong Revilla kaugnay sa kasong plunder sa multi-bilyong pisong pork barrel scam.

Bukod kay Revilla, hahatulan na rin ang kanyang mga kapwa akusado na sina Atty. Richard Cambe na dati niyang aide at umano’y pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles.

“The Court hereby sets the promulgation of the decision of this case on December 7, 2018, at 8:30 in the morning,” nakasaad sa order.

Si Revilla ang kauna-unahang akusado sa tatlong senador na dawit sa pork barrel scam na hahatulan ng Sandiganbayan habang sina  dating Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile ay nasa trial at pre-trial stages pa lang ang mga kaso.

Ang mga dawit na senador sa pork barrel scam ay kapwa kandidato sa darating na 2019 midterm elections.

Si Revilla ay inaku­sahang inilagak ang kanyang P224.5 million na PDAF at tumanggap ng kickback sa mga pekeng foundation ni Napoles.

Nilinaw naman ng Sandiganbayan na kahit na mahatulang guilty si Revilla ay maaari pa rin niyang ituloy ang kanyang kandidatura para sa 2019 elections..

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with