Honasan itatalaga sa IT department
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni Senate President Vicente Sotto na magpapaalam na sa Senado si Senador Gregorio Honasan sa susunod na buwan upang mamuno sa  Department of Information and Communications Technology (DICT).

Kapag naupo na si Honasan bilang ad interim DICT secretary sa Disyembre ay puwede pa rin siyang magtrabaho bilang mambabatas habang nakabimbin ang kanyang confirmation sa Commission on Appointments (CA).

“Ang alam ko panay ang research [niya ngayon]. Saka magaling mag-aral yun,” paliwanag  ni Sotto.

Ang DICT ay kasalukuyang pinamumunuan ni Acting secretary Eliseo Rio Jr. matapos mag-resign si DICT Secretary Rodolfo Salalima noong September 21, 2017.

DEPARTMENT OF INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY GREGORIO HONASAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with