Balimbing na pulitiko ipagbabawal
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - November 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaasa si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman at Cibac Rep. Sherwin Tugna na maipapasa ang panukalang batas na magbabawal sa mga pulitiko na magpalipat-lipat ng partido bago matapos ang 17th Congress sa Hunyo ng susunod na taon.

Sinabi ni Tugna na sa pagbubukas ng sesyon ng kongreso sa Nobyembre 12 ay inaasahang maipa­pasa na sa ikalawa at ikatlong pagbasa ng House Bill 697 kung saan isa sa pangunahing may akda nito ay si Speaker Gloria Arroyo at inaasahang ito ang magpapabago sa kasalukuyang umiiral na palipat-lipat ng partido ng mga politiko.

Tiwala rin ang kongresista na kaagad itong maipapasa lalo na at suportado ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil naniniwala ito na makakabuti ito sa bansa.

Layon umano ng panukala na maiwasan ang political butterflies o pagbalimbing.

SHERWIN TUGNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with