P500-M refund sa terminal fee ng mga OFW hindi pa nakukuha
Rudy Santos (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinahayag kahapon ng Manila International Airport Authority na exempted ang mga overseas Filipino worker sa pagbabayad ng terminal fee basta’t ipapakita lang nila ang kanilang Overseas Employment Certificate na ibinibigay ng Philippine Overseas Employment Admi­nistration kapag bibili sila ng airline ticket.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, mahigit P500 milyong halaga ng unclaimed refund para sa mga OFW ang nananatili pa sa general fund ng Ninoy Aquino International Airport at walang ibang makakakuha nito maliban sa mga OFW holder ng airline ticket.

Kapag binili ang tiket sa pamamagitan ng internet, dapat ipakita ng OFW ang OEC sa airline counter para sa refund at, kung sakaling nakalimutan nila, maaari silang dumiretso sa MIAA administration building mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon maliban sa holiday para sa refund nang walang expiry date.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with