Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, kinakailangang i-downgrade ang visa ni Fox sa Temporary visa kasunod ng pagtanggi sa extension ng kanyang Missionary visa.
Edd Gumban
Fox binigyan ng BI ng temporary visitor’s visa
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binigyan na lamang ng Bureau of Immigration ng temporary visitor’s visa si Sister Patricia Fox matapos mapaso ang missionary visa nito.

Ang kautusan ay pinirmahan nitong October 24 kung saan ang Temporary Visitors status ni Fox ay may 59 araw na validity.

Ayon kay  BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, kinakailangang i-downgrade ang visa ni Fox sa Temporary visa kasunod ng pagtanggi sa extension ng kanyang Missionary visa.

“Downgrading reverted her status to a temporary visitor, and she is given 59 days from the day her missionary visa expired, which was September 5,” ayon kay Sandoval.

Matatandaan na umapela rin si Fox sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa deportation issue nito.

Paliwanag ni Sandoval na kinakailangan pang hintayin ang desisyon bago ipatupad ang deportation bagama’t pinayagan nila ang Temporary Visitors Visa bago ang apela nito sa DOJ hinggil sa kanyang deportation.

BUREAU OF IMMIGRATION PATRICIA FOX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with