^

Bansa

DILG sa Comelec: Narco bets idiskwalipika!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
DILG sa Comelec: Narco bets idiskwalipika!
Sa naging pagdinig ng Senado sa panukalang P223.9 bilyon badyet ng DILG para sa susunod na taon, sinabi ni Año na naghahanda na sila upang makausap ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa kanilang panukala.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinapa-diskwalipika ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año ang mga kandidato sa 2019 elections na sangkot sa iligal na droga, kasama na ang mga inirereklamo sa katiwalian.

Sa naging pagdinig ng Senado sa panukalang P223.9 bilyon badyet ng DILG para sa susunod na taon, sinabi ni Año na naghahanda na sila upang makausap ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa kanilang panukala.

“We will ask the Comelec to look into the law for basis to disqualify these candidates,” wika ni Sec. Año.

Una nang sinabi ng Comelec na nakahanda itong talakayin ang panukala ng DILG subalit kailangan umanong maghain ng petisyon ang DILG hinggil sa isyu.

Ipinunto pa ng poll body na sa ngayon, hindi sapat ang tinatawag na ‘Narco List’ ng PDEA at Malakanyang bilang bata­yan upang alisin sa listahan ang isang kandidato

Nakatakdang ilabas ng Comelec ang pinal na listahan ng mga kandidato sa susunod na buwan, bago ang pag-imprenta ng mga balota.

Kasabay nito, hinamon din ni Año ang mga kandidato na “boluntaryong” magpa-drug test upang ipakita sa mga botante ang kanilang sinseridad laban sa nasabing bisyo.

“Magpa-drug test sila…tatakbo sila bilang mayor, governor, congressman, ipakita nila (ang kanilang sinseridad),” hamon pa ng dating AFP chief of staff na kinilala sa kanyang sentrong papel sa “liberation” ng Marawi City sa kamay ng mga terorista noong isang taon.

Nanawagan din si Año sa mga ‘political parties’ na “tularan” ang deklarasyon ng PDP-Laban na hindi tatanggap ang partido ng mga kandidatong nabahiran ng iligal na droga.

Bukod sa mga “LCEs” (local chief executives) na sangkot sa iligal na droga, ibinulgar pa ni Año na kasama sa iniimbestigahan ngayon ng DILG ay ang mga LCEs na ini­rereklamo sa katiwalian.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with