^

Bansa

9 magsasaka, pinatay ng mga kasama – DAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
9 magsasaka, pinatay ng mga kasama � DAR
Ito ang sinabi kahapon ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones batay sa initial findings sa ginawang pagbusisi ng tanggapan sa naganap na krimen.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Pinaslang ng kapwa nila sugar farmers ang siyam na magsasaka sa Hacienda Nene sa Barangay Bulaon Sagay, Negros Occidental.

Ito ang sinabi kahapon ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones batay sa initial findings sa ginawang pagbusisi ng tanggapan sa naganap na krimen.

Ang siyam na napaslang at mga suspek ay sinasabing pawang miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW).

Sinasabing ang siyam ay pumasok sa pribadong lupain sa naturang hacienda at habang kumakain ng hapunan sa loob ng ginawang tent ay saka pinagbabaril hanggang sa mapatay ng anim na suspek.

“May report kasi ang kapulisan, mayroon ding mga confidential information na natanggap  ang  undersecretary ko, na ang bumaril daw ay mga mismong kasapi ng samahan na ito,” pahayag ni Castriciones .

Sinasabing ang mga napaslang na NFSW members ay naging miyembro lamang ng samahan ng umaga nang maganap ang krimen.

Ayon sa pulisya, ang NFSW ay legal front  ng komunistang rebelde na umuukopa sa pribadong lupain para kumita.

vuukle comment

JOHN CASTRICIONES

SAGAY CITY MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with