Lupa sa Boracay papamahagi bago mag-Pasko
MANILA, Philippines — Positibo ang gobyerno na maipapamahagi ang lupa sa Boracay bago sumapit ang Pasko sa mga indigenous people ng isla.
Ayon kay Environment Usec. Jonas Leones, magkakaroon ng magandang development sa linggong ito para sa inaasahang pamamahagi ng lupa sa mga katutubo sa isla ng Boracay.
Sinabi ni Leones, nailipat na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Department of Agrarian Reform (DAR) ang may 8 ektaryang lupain sa Boracay para sa redistribution nito sa ilalim ng land reform program ng gobyerno na iniutos ni Pangulong Duterte.
“31 families to receive land. Land is already available for distribution, it’s a matter of determining the process of distribution,” paniniguro ni Leones.
Samantala, tiniyak din nito na nakahanda na ang lahat para sa re-opening ng Boracay island bukas (October 26) pero lilimitahan na ang tourist capacity nito sa 15,000 kada araw.
Pinayuhan din ng task force Boracay ang mga bibisitang turista na bago magtungo sa Boracay ay siguruhin na compliant ang tutuluyang hotel.
Related video:
- Latest