^

Bansa

Lacson mas naniniwala sa PDEA kaysa BOC

Mer Layson, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lacson mas naniniwala  sa PDEA kaysa BOC

MANILA, Philippines — Mas naniniwala si Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinagsidlan ng ilegal na droga ang mga magnetic lifters na naipasok sa bansa sa pamamagitan ng Bureau of Customs.

Ayon kay Lacson, mas kapani-paniwala ang sinasabi ng PDEA tungkol sa natagpuang magnetic lifters sa Cavite na mayroon itong lamang shabu.

Sinabi ni Lacson na kung walang shabu ang mga magnetic lifters, walang dahilan para abandonahin ito ng importers.

Naniniwala si Lacson na dapat magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa level ng executive o kaya ay ng Ombudsman.

Matatandaan na sinabi ng PDEA na inupuan ng kanilang mga aso ang magnetic lifter na nagpapahiwatig na may naamoy silang ilegal na droga pero itinanggi naman ito ng BOC.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, lalong tumibay ang kanilang paniniwala na ang mga magnetic lifters na natagpuan sa Cavite City noong Agosto ay naglalaman ng tinatayang P6.8 bilyong halaga ng droga.

Ang pahayag ni Aquino ay kanyang ginawa matapos magsalita si Customs X-ray Inspection Project (XIP) chief Lourdes Mangaoang na nakita sa kanilang x-ray machine na may laman nga ang mga magnetic lifters. 

vuukle comment

PANFILO “PING” LACSON

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with