^

Bansa

Bahay, trabaho ibibigay sa mga susukong NPA rebels

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Bahay, trabaho ibibigay sa mga susukong NPA rebels
Nangako rin ang Pa­ngulo na pag-aaralin sa TESDA ang mga susukong rebelde upang matuto ng bagong skills.

MANILA, Philippines — Mismong si Pangulong Duterte ang humikayat sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko na kasabay ang pangako na bibigyan niya ang mga ito ng bahay at trabaho.

Nangako rin ang Pa­ngulo na pag-aaralin sa TESDA ang mga susukong rebelde upang matuto ng bagong skills.

“Your underground movement will not amount to anything. But I am ready to accept you if you surrender. Bring your firearms, give it to me, and I will give you a house and a job. You can be sure of that. I will be able to give you that. You will undergo training in TESDA, I’ll send you to school, but I will pay you to study and learn new skills,” pahayag ng Pangulo sa salitang Bisaya sa inagurasyon ng Gaisano Grand City Gate Mall sa Davao City.

Ayon pa sa Pangulo, hindi na sila mag-uusap ni Joma Sison, founder ng Communist Party of the Philippines, pero maaari siyang kausapin ng ibang komunista.

“Ewan ko kung kaya ko pero… Sison and I will no longer talk, but to the other communists, if you don’t want Sison to talk to me, ‘di kausapin niyo si konsehal. Surrender. The government has a program. You’ll be given a house automatically,” ani Duterte.

Ayon pa sa Pangulo maaaring magtungo sa kanya ang mga NPA anumang oras at hindi niya sasaktan ang mga ito dahil na rin sa suportang ibinigay sa kanya.

Sinabi rin ng Pangulo na hindi maaaring magkaroon ng evolution sa pamamagitan ng pagpatay.

Sa isang bahagi ng talumpati ng Pangulo, sinabi rin nito na hindi siya nakikipag-away sa mga NPA na itinuturing niyang mga kaibigan.

“Listen, NPAs. I’m not fighting with you and I don’t want to kill you, but I don’t know about you. But we are really friends,” anang Pangulo sa salitang Bisaya

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with