Sa Senate Resolution 922 ni de Lima, hinikayat nito ang kina­uukulang komite sa Se­nado na silipin ang appointment ni Yang bilang presidential economic adviser at tingnan ang lawak ng kanyang “official engagement” sa ilalim ng Duterte administration.
Miguel de Guzman
Dayuhang economic adviser ni Duterte pinaiimbestigahan
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Sen. Leila de Lima sa Senado ang pagtatalaga ni Pangulong Duterte sa mga banyagang presidential advisers partikular ang Chinese national na si Michael Yang na sinasabing economic adviser ng Pangulo.

Sa Senate Resolution 922 ni de Lima, hinikayat nito ang kina­uukulang komite sa Se­nado na silipin ang appointment ni Yang bilang presidential economic adviser at tingnan ang lawak ng kanyang “official engagement” sa ilalim ng Duterte administration.

Sinabi ni de Lima na dapat ay manatili ang independence ng bansa mula sa foreign control at dapat ding tingnan kung nagkakaroon ng impluwensiya si Yang sa mga foreign policy ng bansa.

Si Yang na kilala rin bilang Yang Hong Ming ay namimigay umano ng mga business cards at ipinakikilala ang sa­rili bilang “presidential economic adviser.”

Ginagamit pa umano nito ang official seal ng Office of the President of the Philippines at official logo ng kanyang kompanya na Full Win Company.

Noong nakaraang Oktubre 4, isiniwalat ng Pangulo ang malapit na relasyon ni Yang kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa kanyang talumpati sa harap ng Philippine Military Academy Alumni Association.

Sinabi rin ng Pa­ngulo na si Yang ay na­ging bahagi ng Philippine delegation sa China. 

Sinabi ni de Lima na dapat lamang malaman kung totoo ang appointment ni Yang bilang presidential economic adviser para sa kapa­kanan ng publiko.

 

DUTERTE PINAIIMBESTIGAHAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with