Pagpapatalsik kay Alvarez desisyon ng Kamara hindi ni Sara - Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Walang nakikitang dahilan ang Palasyo upang masira ang relasyon ng Lehislatura at ng Eheku­tibo kaugnay ng umano’y ginawa ni Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para mapatalsik sa speakership ang dating lider ng Kamara na si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Reaksyon ito ng Ma­la­cañang kasunod ng naging pagbubunyag kamakawala ng gabi ni Pangulong Duterte na impluwensiya ni Mayor Sara ang nakapagpatalsik sa dating House speaker.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kung sinuman ang nagmungkahi ng pagpapatalsik, sa bandang huli’y mga miyembro pa rin naman ng Kongreso ang magpapasya kung sila’y magpapalit ng kanilang pinuno.

Kahit nga mismo Pre­sidente ang magtulak para palitan ang Congress leadership, iginiit ni Panelo na mga taga-Kamara pa rin ang magdedesisyon kung aalisin na nila o pananatilihin ang kanilang lider.

Nag-ugat ang pagpapatalsik kay Congressman Alvarez matapos magyabang umano ito na kahit ang Pangulong Duterte ay kaya niyang mapaalis sa puwesto sa pamamagitan ng kanyang kapasidad bilang House leader.

Ito naman ay nakara­ting sa kaalaman ni Sara at nang nakaraang 17th Congress ay nagkaroon na ng bagong house leader sa katauhan ni Speaker Gloria Arroyo.

“Kasi ultimately whoever suggested the ouster, ang magde-decide pa rin ang members ng Kongreso. ‘Di ba narinig natin iyong mga bumoto, sinasabi nila they were discontented with the way it is being run. Kaya madali’t-sabi kahit pa… kahit pa and even assuming na Presidente ang magsabing tanggalin ninyo iyan eh kung ayaw naman ng mga tao doon dahil hanga sila sa liderato. Sa madali’t-sabi eh, ultimately, it’s the House of Representatives,” paliwanag pa ni Panelo.

 

PANTALEON ALVAREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with