^

Bansa

Lapeña panagutin sa P6.8-B shabu – PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lapeña panagutin sa P6.8-B shabu � PDEA
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, kahit saang ahensya ay pinapanagot talaga ang lider kung mapapatunayang nagkaroon ito ng kakulangan.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Dapat papanagutin si Customs Commissioner Isidro Lapeña sakaling mapatunayang totoong may naipuslit na P6.8 bilyong halaga ng shabu shipment sa bansa.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, kahit saang ahensya ay pinapanagot talaga ang lider kung mapapatunayang nagkaroon ito ng kakulangan.

Gayunman, nilinaw ng dating police official na maaga pang masyado para ‘magpagulong ng mga ulo’ dahil iniimbestigahan pa ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y shabu smuggling sa bansa.

Nauna rito, ibinunyag ng deputy collector mula sa Bureau of Customs (BOC) na si Atty. Ma. Lourdes Mangaoang, na ang mga magnetic lifters na narekober sa isang warehouse sa Cavite ay naglalaman ng tinatayang aabot sa P6.8 bilyong shabu, tulad nang nakita umano nila sa x-ray images nito, ngunit bigo aniya si Lapeña na aksyunan ito.

“’Yung X-ray natin kaya niyang mag-penetrate ng 11 inches of steel. Pumunta po ako sa Cavite, mineasure ko ang kapal niya, one and a half inches lang siya. Kitang-kita, kaya nga kitang-kita eh... You don’t have to be an expert, you don’t have to be an X-ray operator, you, an ordinary person can see (na) may laman ‘yan (magnetic lifters),” sabi ni Mangaoang. “Ito, shabu, wala siyang aksyon. Nagtataka ako bakit wala siyang aksyon. Shabu ‘yan eh! Bakit wala siyang ni-relieve?” dismayado pang pahayag ni Mangaoang.

Kumbinsido rin ang deputy collector na ‘pinalusot’ talaga ng BOC at hindi ‘nakalusot’ lamang ang mga naturang magnetic lifters.

Agosto nang madiskubre ng PDEA ang mga walang lamang magnetic lifters sa Cavite, pero nanindigan si Aquino na may laman itong bilyong halaga ng shabu.

Walang nakuhang residue ng shabu sa mga bakanteng lifters, ngunit inupuan ito ng mga K-9 units.

vuukle comment

ISIDRO LAPEñA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with