^

Bansa

‘Wag magbayad ng PTC, PTW sa NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Wag magbayad ng PTC, PTW sa NPA
Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato na sinumang kandidato na hinaharass ng NPA rebels sa PTC at PTW scheme ay dapat na makipag-koordinasyon sa AFP o sa PNP.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga kandidato na huwag magbayad ng Permit to Campaign (PTC) at Permit To Win (PTW) sa rebeldeng New People’s Army (NPA).

Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato na sinumang kandidato na hinaharass ng NPA rebels sa PTC at PTW scheme ay dapat na makipag-koordinasyon sa AFP o sa PNP. 

“Wala silang (kandidato) kailangang kunin na permit,” sabi ni Detoyato kung saan karaniwan na umano ang modus operandi ng NPA rebels na nangongotong sa mga kandidato sa tuwing sasapit ang eleksyon sa bansa.

Nabatid pa na, nananakot ang mga rebelde sa mga kandidato na isasabotahe ang kanilang pangangam­panya kapag hindi nagbayad ng PTC habang ang PTW ay ang kabayaran upang itumba ang kanilang mga kalaban sa pulitika.

“So malaman lang natin kung saan ang mga pupupuntahan nila para magkaroon ng area security. Actually its not a revolutionary tax. There is no such thing as revolutionary tax. It is plain and simple extortion,” sabi pa ng opisyal.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with