Ito ay makaraang ap­ru­bahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang fare hike petition ng mga transport group na FEJODAP, ACTO, ALTODAP, LTOP at Pasang Masda.
Michael Varcas
Pasahe sa jeep P10 na mula Nov
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Epektibo pagpasok ng buwan ng Nobyembre ng taong ito ay P10 na ang singil sa minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep mula sa dating P8 minimum fare para sa unang apat na kilometrong takbo ng sasakyan.

Ito ay makaraang ap­ru­bahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  ang fare hike petition ng mga transport group na FEJODAP, ACTO, ALTODAP, LTOP at Pasang Masda.

Binigyang-bigat ng LTFRB sa kanilang desisyon ang rason  ng naturang mga transport groups na matindi na ang epekto sa kanila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petroleum products  at presyo ng mga bilihin at spare parts kaya napapanahon  na anila ang bagong dagdag sa pasahe.

Hindi naman naapru­bahan ang hiling ng mga itong dagdag na P2 na taas sa singil sa succee­ding kilometer dahil sa kawalan ng basehan.

Ang fare hike ay  nilagdaan ni LTFRB Chairman Martin Delgra at board members Ronaldo Corpuz  at Aileen Lizada.

Makaraan ang 15 araw makaraang mai-publish sa mga pahayagan  ang kautusan ay saka pa lamang magiging epektibo ang fare hike  na papatak ng November 1.

Magugunitang noong Hulyo ay inaprubahan ng LTFRB ang P1 na provisional increase o pansamantalang dagdag sa minimum na pasahe. Dahil doon, pansamantalang naging P9 ang minimum na pasahe sa jeep.

Pero dahil sa bagong desisyon ng LTFRB, wala nang bisa ang provisional increase, kaya sa halip na P11, P10 ang minimum na pasahe.

FARE HIKE LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with