^

Bansa

Bong, ‘Go’ na sa senado

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Bong, �Go� na sa senado
Sinamahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Special Assistant to the President Bong Go sa pagsampa nito ng certificate of candidacy para sa pagka-senador sa Commission on Elections kahapon.
Kuha ni KJ Rosales

MANILA, Philippines — Sinamahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghahain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections si Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go kung saan ay mainit na sinalubong ito ng kanyang mga supporters at kaibigan na humimok dito.

Ayon kay Go, naging mahirap para sa kanya ang pagpapasya kung saan ilang panahon niya itong ipi­nagdasal at pinag-aralan.

Kahapon, nagdasal muna sa San Miguel Church sa Malacañang complex si Go upang humi­ngi ng divine guidance bago siya nakipag-usap kay Pangulong Duterte upang humingi ng ‘basbas’ nito bago nagsumite ng kanyang COC sa Comelec.

Bukod kay Pangulong Duterte, naroroon din upang magpakita ng suporta ang ilang miyembro ng gabinete sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea, PCOO Secretary Martin Andanar, at National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Itinaas pa ni Pangulong Duterte ang kamay ni Go nang humarap sa media upang ipakita ang isinumite nitong COC.

Sinabi ni Go na matimbang sa kanya ang pagbibigay ng serbisyo publiko lalo’t alam niyang marami ang nangangilangan ng tulong partikular ang mga mahihirap.

Ilan lamang sa mga tinututukan ni Go ang pagpapatayo ng mga Malasakit Center sa buong bansa na siyang magbibigay ng libre at mas mabilis na tulong medikal sa mga kababayan; pagdadala ng relief assistance sa mga nasunugan at ang 3-point ng bayan na isang basketball event na naglalayong mailayo ang mga kabataan sa illegal drugs at pagtulong na din sa pagpapalaganap ng 3-point agenda ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na paglaban sa illegal drugs, kriminalidad at korapsyon.

Una nang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuporta niya sa kanyang top-aide na si SAP Go dahil kabisado na nito ang pagiging public servant sa ilang dekada nilang pagsasama.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with