^

Bansa

Bentahan ng reclaimed land sa Mandaue inireklamo sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bentahan ng reclaimed land sa Mandaue inireklamo sa Ombudsman
Sa kanilang sulat kay Ombudsman Samuel Martires na may petsang October 4, 2018, sinabi ng kasalukuyang councilors Elstone Dabon at Benjamin Basiga at dating councillor Jefferson Ceniza na hindi nila akalain na walang record ang lupain na na-classify bilang alienable at disposable nang busisiin ang dokumento sa pagbebenta sa naturang lupain.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Inireklamo sa Ombudsman ng mga kasalukuyan at dating konsehal ng Mandaue City si dating Mandaue City Mayor Jonas Cortes dahil sa umano’y hindi makatwirang pagbebenta sa 3.5 ektarya ng  reclaimed land noong alkalde pa ito ng lungsod.

Sa kanilang sulat kay  Ombudsman Samuel Martires  na may petsang October 4, 2018, sinabi ng kasalukuyang  councilors Elstone Dabon at Benjamin Basiga at dating councillor Jefferson Ceniza na hindi nila akalain na walang record ang lupain na na-classify bilang  alienable at disposable  nang busisiin ang dokumento sa pagbebenta sa naturang lupain.

Anila, inakala nilang ang transaksiyon ay  regular at ang mga dokumento ay naaayon sa itinatakda ng batas.

Hindi rin umano naitala sa committee report ang sinasabi ni Cortes sa kanyang Facebook page noong August 22,2018  na  ang  DENR Administrative Order 99-34  ang sinasabing basehan ng approval sa bentahan ng lupa sa halagang P50 per square meter.

vuukle comment

JONAS CORTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with