^

Bansa

2nd round ng excise tax sususpendihin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2nd round ng excise tax sususpendihin
Ipinapakita ni Special Assistant to the President Bong Go ang mga produktong maaaring mabili sa murang halaga sa TienDa Malasakit store sa Bgy. Bicutan, Taguig. Kasama ni Go sa pagbubukas ng TienDa sina dating DFA Sec. Alan Peter Cayetano, Agriculture Sec. Manny Piñol at Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Sususpendihin ng pamahalaan ang ikalawang sigwada ng ‘excise tax’ para sa mga produktong petrolyo na aabot sa P2 kada litro na nakatakda sanang ipatupad sa Enero 2019.

Isinagawa ni Special Assistant to the President Bong Go ang pahayag sa pagdalo niya sa pagbubukas ng TienDa Malasakit Store sa Brgy. Lower Bicutan sa Taguig City, kahapon.

“Meron pong pinirmahan ang ating Pangulo at effective po ito sa January po. ‘Yun suspension ng excise tax P2 po mula Enero para makatulong po sa pagtaas ng fuel,” ayon kay Go.

Sinabi ni Go na ang suspensyon ay dahil na rin sa antisipasyon sa walang puknat na pagtaas sa presyo ng krudo sa internasyunal na merkado. Mananatiling suspendido ang ikalawang excise tax hanggang sa ‘tamang panahon.’

“Effective January pa po ‘yung magiging suspension. Ina-anticipate lang po natin sakaling hindi po mapigilan ‘yung presyo ng crude oil sa market. He [President Rodrigo Duterte] is very concerned talaga dito sa pagtataas ng presyo ng langis,” dagdag pa ni Go.

Ang anunsyo ay makaraang tumaas na sa $80 kada bariles ang presyo ng krudo sa internasyunal na pamilihan at kabi-kabilang panawagan ng mga senador at ibang sektor sa suspensyon ng excise tax.

Samantala, nasa higit 30 magsasaka at mangi­ngisda naman ang nakila­hok sa pagtitinda ng kani­lang mga produkto na “farm gate price” o presyo pagkaani o pagkahuli sa TienDa Malasakit Store Farmers and Fishermen’s Outlet.

Nasa 1,000 sako ng bigas na ibebenta ng P27 kada kilo ang ilalaan sa naturang bagong pamilihan habang ang ‘well-milled rice’ mula Central Luzon ay ibebenta naman ng P37 kada kilo.

May tinda rin dito na tuna at iba pang isda mula sa General Santos City, iba’t ibang pagkaing dagat at mga aning gulay at prutas sa higit na mababang halaga.

Ibinibenta rin dito ang limang toneladang kamatis buhat sa Kalayaan, Laguna na una nang nag-viral sa social media dahil sa pagtapon ng mga magsasaka sa mga kamatis na hindi nila maibenta.

vuukle comment

EXCISE TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with