^

Bansa

Seguridad sa ‘election hotspots’ dinagdagan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Seguridad sa �election hotspots� dinagdagan
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Alba­yalde, naglaan na sila ng karagdagang seguridad para mapaigting pa ang kanilang operasyon kasunod ng sunod-sunod na pagpatay na may kinalaman sa nalalapit na eleksyon.
File

MANILA, Philippines — Habang nalalapit na ang May 2019 elections mahigpit nang minomonitor ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng “election hotspots” sa buong bansa.

Ayon kay PNP Chief  Director General Oscar Alba­yalde, naglaan na sila ng karagdagang seguridad para mapaigting pa ang kanilang operasyon kasunod ng sunod-sunod na pagpatay na may kinalaman sa nalalapit na eleksyon.

Bukod sa national investigation task force na ginawa nila ay ini-activate na rin ang Special Operations Task Group na siyang mag-o-oversee sa police operations lalo na ang election related.

Kabilang sa mga lugar na nasa Election Watchlist Areas (EWAS) ng PNP ang La Union, Abra, Masbate, Zamboanga at Lanao del Sur.

Base naman sa datos ng PNP, nasugatan ang isang konsehal sa Zamboanga del Sur  matapos pagbabarilin ng mga armadong lalaki ang sinasakyan ni Teomila Nobleza na planong maghain ng certificate of candidacy noong Lunes.

Habang sa Placer, Masbate naman ay nasawi si Councilor Antonio de Ocampo at nasugatan ang kanyang anak matapos silang barilin ng nag-iisang gunman. Si Ocampo ay plano rin tumakbo sa May 2019 elections.

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with