^

Bansa

‘Tele-hearing’ sa terrorist suspects ipatutupad ng SC

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Tele-hearing� sa terrorist suspects ipatutupad ng SC
Ayon sa SC sa pamamagitan ng video conference, diringgin ang kaso ng mga suspected terrorists na miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group na may sakit o kapansanan na mga pawang nakapiit sa Davao City jails.
File

MANILA, Philippines — Nakatakdang ipatupad ng Korte Suprema ang pilot-test ng “tele-hearings” sa Davao City para sa mga suspected terrorists na kasaluku­yang nakapiit at hindi na kayang magtungo sa mga korte.

Ayon sa SC sa pamamagitan ng video conference, diringgin ang kaso ng mga suspected terrorists na miyembro ng Maute at Abu Sayyaf Group na may sakit o kapansanan na mga pawang nakapiit sa Davao City jails.

Inaprubahan ang pilot testing ng judicial reform project sa huling session ni Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro noong Oktubre 10.

Ang nasabing proyekto ay inirekomenda ni court Administrator Midas Marquez. 

Inaprubahan ng SC ang 100-foot monopole tower na ilalagay sa Davao Hall of Justice kung saan konektado sa tatlong jail facilities ng lungsod.

Tatlong courtrooms naman ang nilagyan ng sapat na kagamitan para sa tele hearings.

Upang matiyak ang constitutional rights ng mga detainee, kasama ng mga ito ang kanilang mga abogado sa piitan.

Daang mga miyembro ng Maute, Abu Sayyaf, New People’s Army at Moro Islamic Liberation Front ang kasalukuyang nakapiit sa Davao jails.

vuukle comment

TELE-HEARINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with