Ayon kay Good Government committee Chairman Rep. Xavier Jesus Romualdo na marami silang tinatawag na loose ends na kailangang pagtagniin ang mga detalye para mabuo ang resulta ng imbestigasyon.
Edd Gumban
Dengvaxia probe bubuksan ng House
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling bubuksan ng House Committee on Good Government and Public Accountability at House Committee on Health and imbestigasyon sa kontrobersyal na Dengvaxia mess.

Ayon kay Good Government committee Chairman Rep. Xavier Jesus Romualdo na marami silang tinatawag na loose ends na kailangang pagtagniin ang mga detalye para mabuo ang resulta ng imbestigasyon.

Sa tingin pa ni Romualdo, 80% lamang na natapos ng komite ang Dengvaxia investigation bago siya pumalit bilang Chairman ng Good Government Committee mula kay Cong. Johnny Pimentel.

Nabatid na bago magpalit ng chairman ang komite ay nakabuo na ito ng commitee report sa isinagawang imbestigasyon sa Dengvaxia.

Subalit dahil muling bubuksan ang imbestigasyon ay nanga­ngahulugan na maisasantabi muna ang nasabing report.

Paliwanag pa ni Romualdo na sa pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre ay agad nilang ipapatawag muli sina dating Health Secretary  Janet Garin at dating Budget Secretary Butch Abad.

Isa naman umano sa mga detalye na kanilang uungkatin ay ang biyahe sa Paris kung saan nakapulong nina dating pangulong Aquino at Garin ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur at kung sino ang nagtulak sa gobyerno para bumili ng mahigit P3 bilyong halaga ng Dengvaxia.

DENGVAXIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with