Ito ang inihayag kahapon ni PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr. matapos mag-umpisa na nitong Huwebes ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) na tatagal hanggang Oktubre 17, 2018.
File
Qualified candidates sa 2019 polls bibigyan ng security escorts - PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bibigyan ng security escorts ng Philippine National Police (PNP) ang mga kuwalipikadong kandidato sa May 2019 elections.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana Jr. matapos mag-umpisa na nitong Huwebes ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) na tatagal hanggang Oktubre 17, 2018.

Bukod dito ay bibigyan din ng security escort ang mga personalidad na hindi kandidato na magku-kuwalipika sa protective security detail base na rin sa ebalwasyon ng PNP.

Maagang inalerto ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde ang mga Regional Directors, Provincial Director at iba pang commanders ng PNP upang maiwasan ang pagdanak ng dugo kaugnay ng pag-init ng election fever o banggaan ng mga kandidato.

Sa kasalukuyan, ay inutos na ni Albayalde ang mahigpit na crackdown at monitoring sa 77 aktibong Private Armed Groups (PAGs) na may 2,060 miyembro at 1,574 mga armas.

Nasa 226 naman ang hindi mga aktibong PAGs na may 2,028 miyembro at mahigit 1,000 mga armas.

Patuloy din ang pagpapaigting ng seguridad ng PNP sa mga Areas of Immediate Concern o watchlist areas.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with