Si Dr. Willie Ong ng mag-file ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-senador sa ilalim ng partido Lakas-CMD. Kasama ni Doc Willie ang kanyang maybahay na si Dra. Liza.
Edd Gumban
Filing ng COC naging matumal
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naging matumal pero mapayapa ang unang araw ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Manila kahapon.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, sa unang oras ng paghahain ng COC ay naging kalmado ito.

Organisado umano ang mga kandidato at nakakasunod sa guidelines na kanilang ipinalabas.

Ilan sa mga kandidato na maagang nag-file ng COC sina Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel at Freddie Aguilar na kapwa tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng PDP-Laban.

Pagbukas ng Comelec ng alas-8 ng umaga ay agad silang naghain ng COC.

Pasado alas-10 naman nakapaghain ng COC ang kilalang manggagamot na si Dr. Willie Ong.

Sabi ni Doc Willie, matagal nang walang doktor na kinatawan sa Senado mula nang mawala si Dr. Juan Flavier at naniniwala siyang kuwalipikado siya sa posisyon.

Kanya-kanya ring ba­landra ng plataporma at tututukang agenda ang mga bagong Party-list na naghain ng kanilang kandidatura.

Nakapaghain din ng COC sina Abner Afuang, Mel Chavez, Cong. Ron Salo ng Kabayan, Shariff Albani ng Labor Partylist na tatakbo sa pagka-senador, PBA Partylist Cong. Mark Sambar, Cong. Jericho Nograles, dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ang dating nagpakila­lang asawa ni Kris Aquino na si Daniel Magtira na una ng idineklarang nuisance candidate noong 2016 polls at ang nagpakilalang dating nobyo ni Mocha Uson na si Agi Tuana.

Samantala, inaasahan ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang maraming bilang ng mga nuisance senatorial candidates na tutungo sa Comelec.

Sinabi ni Guanzon na sa nakalipas na national elections, 90 nuisance candidates ang tinanggal mula sa orihinal na 140 aspirants na naghain ng kanilang COC para sa 2016 presidential elections.

Binigyan diin ng opisyal na walang batas ang nagbabawal sa mga nuisance candidates na maghain ng kanilang COC, at ito raw ay maituturing na bahagi ng demokrasya sa bansa.

Nagsimula ang filing kahapon na magtatapos sa Okt. 17, 2018.

Hanggang Nobyembre 29 naman maaaring umatras ang mga kandidato para sa May 13, 2019 polls.

Ayon kay Jimenez, maari raw itong gawin anuman ang kanilang magiging dahilan sa pag-atras.

Maari naman daw palitan ng isang political party ang umatras nitong mi­yembro para lamang hindi mabungi ang slate nito.

CERTIFICATES OF CANDIDACY COMMISSION ON ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with