Sinabi ni Guterres na ang drug addiction ay hindi lamang policy issue kundi ito ay isang personal na laban dahil hindi ito abstract issue lamang.
Miguel de Guzman
UN nabahala sa droga sa Pinas, buong mundo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinuturing ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres na nakakaalarma ang problema ng mundo sa illegal drugs. 

Ayon kay UN Sec-Gen. Guterres, panahon na upang kumilos ang buong mundo laban sa paglaganap ng illegal drugs.

Sinabi ni Guterres na ang drug addiction ay hindi lamang policy issue kundi ito ay isang personal na laban dahil hindi ito abstract issue lamang.

Binigyang-diin ni Guterres na lahat ng bansa ay mayroong kuwento hinggil sa illegal drugs at sa pinsalang dulot nito kaya naman panahon na para kumilos ang lahat hinggil dito.

Ibinahagi rin ni Guterres na nawalan siya ng kaibigan dahil sa illegal drugs habang nakita din niya ang pagsisikap ng kanyang Ate na nagtrabaho nang ilang taon bilang psychiatrist sa isang drug treatment center sa Lisbon, Portugal.

Base anya sa sitwasyon ng illegal drugs sa buong mundo, mas mataas na ang production ng opium at cocaine manufacturing.

Sa record ay nasa 450,000 katao na ang namamatay kada taon dahil sa overdose o drug related health issues habang 31 million na tao naman sa buong mundo ang kailangang sumailalim sa drug-addiction treatment.

Maging si DFA Sec. Alan Peter Cayetano na dumalo rin sa UN ge­neral assembly ay suportado ang statement ni Mr. Guterres na dapat lamang magkaisa ang buong mundo upang mala­banan ang illegal drugs.

“I’m very happy about it, because it’s a confirmation of what our president has been telling the whole world again and again that drugs is a problem for everyone and that drugs affects the lives of not only the victims but also of their relatives, neighbors, their friends and everything so more and more world leaders are recognizing how huge the problem of illegal drugs is. And this is just a confirmation a reiteration of what our president is saying all along,” wika ni Cayetano.

Maging si US Presidential Donald Trump ay naniniwala na dapat magkaisa ang buong mundo upang labanan ang drug addiction at wakasan ang lahat ng uri ng drug trafficking at smuggling.

“The scourge of drug addiction continues to claim too many lives in the US and the nations around the world. Today we commit to fighting the drug epidemic together,” wika ni ni President Trump.

Simula ng maupo si Pangulong Duterte ay inilunsad nito ang kanyang drug war na binatikos ng UN rapporteur na si Agnes Callamard.

Pero nasa 69 percent naman ng mga Filipino ang nagsabing isa sa naging achievement ng Duterte government ang war on drugs nito batay sa survey ng Pulse Asia noong ?June 15-21, 2018.

ANTONIO GUTERRES ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with