Kinumpirma naman ni Panelo na siya ang bagong spokesman ni Pangulong Duterte.
Geremy Pintolo
Panelo next spokesman ni Duterte
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ang susunod na presidential spokesman ni Pangulong Duterte kapalit ni Sec. Harry Roque.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go sa media interview sa Bali, Indonesia na concurrent spokesman at chief presidential legal counsel si Panelo simula sa Lunes.

Kinumpirma naman ni Panelo na siya ang bagong spokesman ni Pangulong Duterte.

Nauna rito, sinabi ni Roque na hindi pa siya nagre-resign bilang presidential spokesman at hindi pa raw tapos ang pag-uusap nila ni Pangulong Duterte sa alok nitong pamunuan ang itatayong Office of the Press Secretary (OPS) na magiging kapalit ng bubuwaging Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) na pinamumunuan naman ni Sec. Martin Andanar.

“Hindi pa kami tapos ni PRRD. I will talk to him before the 15th, hopefully. Still not sure I will run for Senate,” sabi ni Roque.

Magugunita na noong Martes ay inihayag mismo ni Pangulong Duterte na hindi niya pinigilan si Roque ng magsabi sa kanya na magre-resign ito.

Ikinatwiran daw ni Roque na isa sa dahilan daw sa kanyang pagbibitiw ay hindi siya nasabihan ng magpa-ospital ito.

Si Roque ay kasalukuyang nasa Beijing para dumalo sa isang komperensya.

RODRIGO DUTERTE SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with