Sinabi ni Sen. JV, kaya niya nais gamitin ang nickname na Estrada na kanya na ring ginamit noong 2013 senatorial race ay upang ipakita sa kanyang ama na si Manila Mayor Erap Estrada na hindi niya pinuputol ang relasyon nito matapos siyang lumipat sa Nationalist Peoples Coalition (NPC) at lisanin ang Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ng kanyang ama.
Geremy Pintolo
‘Estrada’ gagamitin ni JV Ejercito sa COC filing
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Plano ni Sen. JV Ejercito na gamitin ang ‘Estrada’ sa pagsusumite niya ng kanyang certificate of candidacy sa kanyang re-election.

Sinabi ni Sen. JV, kaya niya nais gamitin ang nickname na Estrada na kanya na ring ginamit noong 2013 senatorial race ay upang ipakita sa kanyang ama na si Manila Mayor Erap Estrada na hindi niya pinuputol ang relasyon nito matapos siyang lumipat sa Nationalist Peoples Coalition (NPC) at lisanin ang Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ng kanyang ama.

Nauna ng naghayag ng intensyon na tumakbong muli bilang senador ang kanyang half-brother na si former Sen. Jinggoy Estrada.

“I’m thinking, siguro kung magkakausap kami ni Mayor Erap, hindi ko pinuputol yung pagiging Ejercito-Estrada ko. In fact, I’m consulting my lawyer na maisama ko pa rin (ang Estrada),” wika pa ni Sen. Ejercito sa senate forum kahapon.

JV EJERCITO NATIONALIST PEOPLES COALITION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with