Sa bago nitong survey, binanggit ng Social Weather Stations (SWS) na nagkaroon ng pagtaas sa self-rated poverty noong Setyembre na 52 percent o 12.2 milyong pamilya. Mas mataas ito ng apat na puntos sa 48 percent o 11.1 milyong pamilya noong Hunyo 2018.
KJ Rosales
Senado pinakikilos, excise tax sa langis i-rollback bago Pasko
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang pagtaas sa self-rated poverty ay isa na namang indikasyon na dapat nang kumilos ang Senado para matugunan ang tumataas na presyo ng pagkain at iba pang bilihin sa pamamagitan ng pagsuspindi ng excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, ayon kay Sen. Bam Aquino.

“Kailangan na natin umaksyon. Solusyunan natin ang krisis sa presyo para tulungan ang mga naghihirap na pamilya,” pahayag ni Sen. Bam, na isinusulong ang Bawas Presyo sa Petrolyo Bill sa Senado.

Sa bago nitong survey, binanggit ng Social Weather Stations (SWS) na nagkaroon ng pagtaas sa self-rated poverty noong Setyembre na 52 percent o 12.2 milyong pamilya. Mas mataas ito ng apat na puntos sa 48 percent o 11.1 milyong pamilya noong Hunyo 2018.

Hinikayat ni Bam ang mga kapwa senador na suportahan ang Joint Senate Resolution No. 15 ng minorya na layong suspindihin ang excise tax sa ilalim ng TRAIN Law at i-rollback ang buwis sa langis sa halaga nito noong December 31, 2017.

“Huwag na nating antayin na ma-certify urgent ito. Umaksyon na po tayo nang kusa. Kung kailangang mag-special session tayo sa Senado habang may session break, gawin na po natin ito,” wika ni Sen. Bam.

Ayon sa senador, ang sama-samang pagkilos ng Senado ay magsisilbing mensahe sa Malacañang ukol sa pagnanais ng Mataas na Kapulungan na pagaanin ang pasanin ng mga Pilipino, lalo na ang mahihirap, sa mataas na presyo ng pagkain at iba pang bilihin.

“Seventy four days na lang po, Pasko na!  Ito na siguro ang pinakamagandang regalo na maibibigay natin sa pamilyang Pilipino,” dagdag pa ni Sen. Bam.

BAM AQUINO TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with