Si Pangulong Duterte ay nasa Indonesia para dumalo sa ASEAN Leaders’ Gathering.
Lindol sa Bali naramdaman ni Digong, world leaders
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - October 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naramdaman ng de­legasyon ni Pangulong Duterte at iba pang world leaders ang magnitude 6 na lindol habang nasa Bali, Indonesia kahapon ng madaling araw.

Si Pangulong Duterte ay nasa Indonesia para dumalo sa ASEAN Leaders’ Gathering.

Sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, pinag-uusapan pa naman nila ang tsunami bago maganap ang malakas na lindol. Mabuti na lamang daw at walang naganap na tsunami o tsunami warning matapos ang pagyanig.

Magugunitang nitong Setyembre 28 ay tinamaan ng malakas na lindol at tsunami ang Central Sulawesi at iba pang bahagi ng Indonesia na ikinamatay ng mahigit 2,000 katao na.

Personal na inabot ni Pangulong Duterte ang tulong ng Pilipinas kay Indonesian Pres. Joko Widodo sa kanilang pagkikita sa ASEAN leaders gathering.

Umuwi rin kagabi (Huwebes) ang Pangulo sa Davao matapos dumalo sa dinner na handog ni President Widodo.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with