Sa report galing sa Pa­ngulo, lumabas ang impormasyon sa isinagawang hearing ng Senate Blue Ribbon Committe noong September 11, 2018 kung saan na-cite for contempt for perjury si Jimmy Guban, Customs intelligence agent.
File
6 PNP officers sa ‘drug matrix’ ni Duterte nasibak na - PNP
Rudy Andal, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matagal ng nasibak sa puwesto ng Philippine National Police (PNP) ang anim nitong opisyal na nasa drug matrix ni Pa­ngulong Duterte.

Ayon kay PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang nasabing mga opisyal ay nasa drug list din na nauna nang inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa report galing sa Pa­ngulo, lumabas ang impormasyon sa isinagawang hearing ng Senate Blue Ribbon Committe noong September 11, 2018 kung saan na-cite for contempt for perjury si Jimmy Guban, Customs intelligence agent. 

Kabilang sa listahan sina dismissed Sr. Supt. Eduardo Acierto na siyang pinuno umano habang nasa baba nito sina Sr. Supt. Leonardo Suan at sinibak na PDEA Director III Ismael Fajardo Jr.

Nasa ilalim naman ng organisasyon ni Fajardo sina P/Inspector Conrado Caragdag, P/Inspector Lito Pirote, SPO4 Alejandro Gerardo Liwanag at P/Supt. Lorenzo Cusay Bacia.

Sangkot ang mga nasabing police officers sa drug recycling at iba pang illegal activities.

Si Fajardo ay dawit sa pagkawala ng P6.8 billion shabu sa warehouse sa Cavite na sinasabing nakasilid sa magnetic lifters.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with