Kinilala ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang mga kinasuhang suspek na sina William Comayog Gandawali, incumbent brgy. chairman ng Brgy, Inudaran, Tagoloan II; anak nitong si Oscar Gandawali; Aiman Gandawali, pamangkin ni William; Lala Amboloto, Jamai Amboloto, Palawan Macalabo, Mizangkad Gan­dawali, Jamel Borar alyas Memekan.d
Boy Santos
Multiple murder sa bgy. chairman, 7 pa
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 11, 2018 - 12:00am

Ambush-slay ng 5 PDEA agents

MANILA, Philippines — Sinampahan na kahapon ng kasong multiple murder at multiple frustrated murder ng Philippine National Police (PNP) ang isang barangay chairman at pitong iba pa sa 10 suspek na natukoy na sangkot sa ambush-slay ng limang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents na ikinasugat ng dalawa pa sa Kapai, Lanao del Sur noong nakalipas na linggo.

Kinilala ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde ang mga kinasuhang suspek na sina William Comayog Gandawali, incumbent brgy. chairman ng Brgy, Inudaran, Tagoloan II; anak nitong si Oscar Gandawali; Aiman Gandawali, pamangkin ni William; Lala Amboloto, Jamai Amboloto, Palawan Macalabo, Mizangkad Gan­dawali, Jamel Borar alyas Memekan.

Ang dalawa pa, ayon sa opisyal ay pawang mga kaanak din ng mga suspek na natukoy ng pulisya base na rin sa inisyal na imbestigasyon at testimonya ng mga testigo.

Sinabi ni Albayalde na ang mga suspek ay sinampahan ng kasong 5 counts ng multiple murder at double frustrated murder kaugnay ng pananambang sa PDEA agents noong Oktubre 5, 2018.

Lumilitaw sa imbestigasyon na si William Gandawali at dalawa pang sus­pek na hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ay kamag-anak ni Comayug Macapagal na nasa drug watchlist.

Si Macapagal ay napatay sa anti-drug operation ng PDEA noong Agosto 8, 2018 kung saan ang am­bush ay bilang resbak ng grupo sa pagkamatay ng una.

Ang mga biktima ay ga­ling sa programa ng PDEA para sa mga drug surrenderee sa bayan ng Tagaloan at pabalik na sa kanilang tanggapan sa lungsod ng Marawi ng tamba­ngan.

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with