Ayon kay Zeny Maranan, National president ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), kailangan na nilang magsagawa ng pagkilos upang kontrahin ang palagiang pagtaas ng petroleum products.
Edd Gumban
Big-time tigil pasada ikakasa
Angie dela Cruz, Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ang isang malawakan at malaki­hang tigil pasada ng iba’t ibang transport groups kasunod ng panibagong oil price hike na ipatutupad ngayong linggo.

Ayon kay Zeny Maranan, National president ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), kailangan na nilang magsagawa ng pagkilos upang kontrahin ang palagiang  pagtaas ng petroleum products.

“Pinapatay na kami e, wala ng ginawa ang pamahalaan kundi patayin kami, modernization ng jeep, taas presyo ng gasolina, taas ng halaga ng maintenance fee pero walang ginagawa ang pamahalaan kaya ang aming hanay ay gagawa na ng malakihang hakbang, kung hindi kami papasada, para­lisado ang mga sasakyan, walang maghahatid sa mga mananakay,” banta ni Maranan.

Ayon sa Department of Energy (DOE), nakatakdang magpatupad ang mga oil companies ng aabot sa P1.50 dagdag sa kada litro ng diesel, P0.90 sa gasolina at piso sa kerosene.

Ito na ang ika-siyam na “big time oil price hike” ng mga kumpanya ng langis.

Ang dagdag presyo ay bunsod umano ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Dahil dito, nagkakaisa ring sinang-ayunan ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) at Alliance of Transport Operators and Drivers Association (ALTODAP) ang planong malakihang tigil pasada.

Sumama na rin sa ACTO, ALTODAP at FEJODAP ang grupo ng mga tricycle dri­vers, UV express operators at drivers gayundin ang iba pang grupo ng mga pampasaherong sasakyan para sa isang malawakang transport strike.

Anila, kung hindi nababagabag ang pamahalaan sa nagaganap na serye ng oil price hike, ang kanilang hanay naman ay gagawa ng malawakang pagkilos upang maramdaman ng mamamayan ang kanilang paghihirap at hinaing dahil sa epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Una nang nagbanta ang transport groups na oras na muling tu­maas ang presyo ng petro­leum products, ito na ang sen­yales ng pagsasagawa nila ng transport holiday na paparalisa sa iba’t ibang uri ng pampasaherong sa­sakyan sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Una nang humiling ang mga jeepney operators ng gawing P12 ang minimum pasahe sa jeep mula P9 pero ito ay inisnab lamang ng LTFRB.

OIL PRICE HIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with