^

Bansa

Trillanes inaresto, nagpiyansa

Doris Franche, Rudy Andal, Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Trillanes inaresto, nagpiyansa
Si Sen. Antonio Trillanes IV matapos sumailalim sa mug shot at booking procedure sa Makati PNP.

MANILA, Philippines — Naglabas kahapon ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) si Makati Regional Trial Court Judge Elmo Alame­da laban kay Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa Proclamation 572 ni Pangulong Duterte na nagpapawalang-bisa sa ipinagkaloob na amnesty ng nakaraang administras­yon kaugnay sa kasong rebelyon ng senador.

Inatasan ni Judge Ala­­meda ng Makati RTC branch 150 ang court she­riff at Makati police chief na isilbi ang arrest warrant laban kay Trillanes sa Senado.

Nagtakda naman ng piyansang P200,000 ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Trillanes sa kasong rebelyon kaugnay sa Manila Peninsula siege noong November 2007.

Ang Department of Justice (DOJ) ang naghain ng mosyon sa Makati RTC upang magpalabas ito ng alias warrant of arrest at HDO laban kay Trillanes.

Naroroon din si NCRPO Director Guillermo Eleazar upang samahan ang Makati police chief at court sheriff sa Office of the Senate Sgt. At Arms (OSAA) at tanggapan ni Senate President Vicente Sotto III para sa pagsisilbi ng arrest warrant kay Trillanes.

Dumiretso naman sa Makati RTC branch 150 si Trillanes kasama ang kanyang abogado na si Atty. Reynaldo Robles upang maghain ito ng piyansang P200,000.

Alas-3:24 ng hapon nang dumating sa Makati City Police si Trillanes, kung saan isinailalim ito sa documentary procedure o booking procedure gaya ng fingerprinting at mugshot.

Kahit nakapaglagak ng piyansa, nagpasya pa rin si Trillanes na manatili sa Senado.

Sinabi ni Trillanes, anumang oras ay puwedeng maglabas din ng warrant of arrest ang Makati RTC branch 148 kung saan ay binubuhay ang kaso nitong kudeta kaugnay ng Oakwood mutiny noong 2003.

Bukod dito, may natanggap din siyang report na anumang oras ay puwedeng siyang arestuhin ng militar batay sa Proclamation 572 ni Pangulong Duterte.

Ayon naman kay Trilla­nes, natalo ang demokrasya sa araw na ito.

“Nanaig ang kadiliman at kasamaan sa ating ba­yan. Kung ano mang mangyayari sa hinaharap, nasa mga kamay na ng samba­yanang Pilipino. Makikitang pinuwersa at binaluktot ang batas,” pahayag ni Trillanes sa pagharap nito sa media kahapon.

Samantala, sinabi na­man ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsalita na ang korte hinggil sa kaso ni Trillanes kaya dapat itigil na ng mambabatas ang kanyang drama at sa korte na lamang ito magpaliwanag.

Mula nang ilabas ng Presidente ang Proclamation 572 ay nagsilbing kanlungan ng mambabatas ang kanyang opisina sa Senado para makaiwas sa pag-aresto sa kanya ng AFP.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES IV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with