Trust, approval ni Digong bumaba
MANILA, Philippines — Bumagsak ang trust at approval ratings ni Pangulong Duterte sa pinakahuling resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa nitong September 1-7.
Mula sa 88 percent approval ng Pangulo ay bumaba ito sa 75 percent.
Bumagsak din ng 15 percent ang trust ratings ni Pangulong Duterte mula sa dating 87% ay pumalo na lamang ito sa 72 percent.
Bagamat bahagyang bumaba ang trust at approval ratings ni Pangulong Duterte ay itinuturing pa rin ng Malacañang na nanatiling ‘very good’ at mataas pa rin ang pagtitiwala ng taumbayan kay Pangulong Duterte.
Wika pa ni Roque, patuloy na gumagawa si Pangulong Duterte upang mabigyang solusyon ang problema ng bansa partikular sa isyu ng bigas at presyo ng iba pang produktong agrikultural tulad ng pagpapalabas nito kahapon ng ibat ibang kautusan upang payagan ang importasyon ng bigas, asukal at iba pang agri products upang maibaba ang presyo nito sa pamilihan.
- Latest