^

Bansa

‘Oust Duterte mabibigo’- Palasyo

Rudy Andal, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Oust Duterte mabibigo�- Palasyo
Sinabi ni Roque sa media briefing sa Malacañang na naririyan pa rin umano ang plano ng mga dilawan kasabwat ang Magdalo group ni Senador Anto­nio Trillanes IV at rebel­deng komunista na nag­lalayong pabagsakin si Pangulong Duterte.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Pinaghahandaan ng Malacañang ang ‘Red October ouster plot’ laban kay Pangulong Rod­rigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Sinabi ni Roque sa media briefing sa Malacañang na naririyan pa rin umano ang plano ng mga dilawan kasabwat ang Magdalo group ni Senador Anto­nio Trillanes IV at rebel­deng komunista na nag­lalayong pabagsakin si Pangulong Duterte.

Wika pa ni Roque, ma­labong magtagum­pay din ang ouster plot na ito la­ban sa Pangulo lalo’t ma­yorya ng mga Filipino mismo ang pabor sa isi­nasagawang war on drugs nito sa pinakahuling survey.

Aniya, magtatagum­pay lamang ang anumang People Power sa isang nakaupong presidente kung mayroon itong support ng publiko.

People power will work kung walang mandato ‘yung tinatanggal. People power won’t work kung ang tinatanggal ay naihalal with a fixed term of office. People overwhelmingly support the President’s war on drugs. ‘Wag na po silang managinip ng People Power,” dagdag pa ni Roque.

“Maraming gahaman diyan. Ang sagot namin dream on dahil wala naman silang suporta ng bayan,” paliwanag pa ng presidential spokesman.

Samantala, naniniwala sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo “Ping” Lacson na dapat seryosohin ang ulat ng Armed Forces of the Philippines kaugnay sa diumano’y planong pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte na tinawag nilang “Red October.”

Ayon kay Sotto, da­pat palaging sineser­yoso ang ulat ng Chief of Staff ng AFP.

Sinabi naman ni Lac­son na hindi dapat ba­le­walain at dapat ituring na isang seryosong aku­sasyon ang impormasyon na nakuha ng AFP na ta­tangkaing patalsikin si Duterte sa darating na Oktubre.

Pero sinabi ni Lacson na dahil ang liderato ng AFP ang nagbunyag ng mahalagang impormasyon, nasa kanilang balikat ang responsibilidad para magpakita ng pruweba para tumigil ang suspetsa ng oposisyon at ng publiko na isa lamang itong “psyops” para tugisin ang mga komokontra sa mga patakaran ng administrasyon.

Pinanindigan naman ni Senator Risa Hontiveros ang paniwala na si Pa­ngu­long Duterte ang “destabilizer-in-chief” at hindi totoo ang ibinabato nitong akusasyon sa oposisyon.

vuukle comment

HARRY ROQUE

ROD­RIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with