^

Bansa

PRRC, blockchain tech firm lumagda para sa clean-up

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PRRC, blockchain tech firm  lumagda para sa clean-up
Nanguna sa MoU signing si PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia habang sa Cypher Odin Inc. ay ang kilalang entrepreneur-environmentalist na si Mariano Jose Diaz Villafuerte IV, chief executive officer.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Lumagda ang Pasig River Rehabilitation Council (PRRC) at blockchain technology company na Cypher Odin Inc. sa isang Memorandum of Understanding (MoU) para sa pagkakaloob ng libreng serbisyo ng huli sa paglilinis at muling pagbuhay sa Pasig River.

Nanguna sa MoU signing si PRRC Executive Director Jose Antonio E. Goitia habang sa Cypher Odin Inc. ay ang kilalang entrepreneur-environmentalist na si Mariano Jose Diaz Villafuerte IV, chief executive officer.

Nagpaabot ng pasasalamat si Goitia sa Cypher Odin sa pakikiisa nito sa kanilang misyon at pagkakaloob ng libreng tulong para linisin ang 27-kilometer long na Pasig River at mapanumbalik ang dati nitong ganda gamit ang makabagong teknolohiya.

Dagdag ni Goitia, ang paglagda sa naturang kasunduan ay nagpapalakas sa kanilang adhikain na magkaroon ng sarili nilang ‘public-private-partnership’ at umaasa siyang marami pang pribadong kumpanya na maging bahagi ng ‘social responsibility’ nito ang paglilinis at pangangalaga sa iba’t ibang ‘waterways’ ng bansa.

Sinabi naman ni Villafuerte na isa sa mga ipatutupad ng Cypher Odin ay ang paglalagay ng makabagong kagamitan sa ilog Pasig upang i-monitor ang takbo at pinanggagalingan ng mga basura sa ilog.

Plano rin ni Villafuerte na bigyan ng BOTcoin cryptocurrency ang mga residente at pabrika sa ilog Pasig kapalit ng pagtigil sa pagtapon ng mga basura sa ilalim ng kanilang ‘exchanging trash to cryptocash’ project.

vuukle comment

PASIG RIVER REHABILITATION COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with