^

Bansa

ICC binira ni Duterte

Christina Mendez - Pilipino Star Ngayon
ICC binira ni Duterte
Sa isa niyang talumpati sa mga gastroenterologist sa Cebu kamakalawa, binatikos ni Duterte ang ICC na napapagkamalang International Court of Justice.

MANILA, Philippines — Muling minaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatangka ng ilang grupo na ihabla siya sa International Criminal Court na nakabase sa The Hague dahil umano sa genocide.

Sa isa niyang talumpati sa mga gastroenterologist sa Cebu kamakalawa, binatikos ni Duterte ang ICC na napapagkamalang International Court of Justice.

Pinabulaanan niya ang akusasyon na siya ang nasa likod ng pagpatay sa mga drug suspect bunga ng kampanya ng kanyang administrasyon laban sa iligal na droga.

“Ni hindi nila maipakita sa akin paano sila namatay? Kailan sila namatay? Wala,” wika ng Pangulo. “Ako, pumatay ng 4,000? Ni wala akong oras para umupo para sa isang s***, kung iyan ang kaso. Maaabala ako riyan nang 24 oras,” dagdag niya.

Binatikos niya ang European Union na nanawagan sa kanya na ihinto na ang mga pang-aabuso sa mga karapatang pantao.

Sinabi niya na tinatangka ng EU na “ipataw ang kanilang mga values at ang paraan ng kanilang pag-iisip sa pagkategorya sa mga criminal at gusto nilang ipataw ito.”

“Sino kayo para patakbuhin ang aking bansa? Iyan ang problema sa European Union.  Nasa international governing sila. Nilikha nila ang ICC, European community,” sabi pa ng Pangulo.

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with