Sinabi ni Campos na ang bilang ng mga beneficiaries ay kumakatawan sa dagdag na 800,000 mula sa tatlong milyong recipient sa taong ito.
Miguel De Guzman
3.8-M senior citizen tatanggap ng P23-B
Jess Diaz (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 3.8 milyong senior citizen ang tatanggap ng buwanang allowance na P500 o kabuuang P23.18 bilyon mula sa pamahalaan sa susunod na taon, ayon kay Makati City Congressman Luis Campos kahapon.

Sinabi ni Campos na  ang bilang ng mga beneficiaries ay kumakatawan sa dagdag na 800,000 mula sa tatlong milyong recipient sa taong ito.

“Nais naming itaas sa P2,000 ang buwanang stipend ng mahihirap na seniors dahil ang Kongreso ay hindi nagdagdag sa orihinal na P500 mula noong 2010,” puna ni Campos na isang deputy minority leader at miyembro ng appropriations committee.

Idinagdag ni Campos na dapat kumilos nang mabilis ang Kongreso sa pagtaas ng pocket-money ng mahihirap na seniors na namemeligro sa gutom dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pagkain.

Ipinunto ni Campos na, sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Law of 2010 na nagtatakda ng buwanang grant na P500 sa senior citizen, dapat sana pero hindi ginawa ng Kongreso ang pagrepaso sa halaga bawat ikalawang taon para sa posibleng umento.

Awtor si Campos ng House Bill 2653  na nagpapanukala na itaas sa P2,000 ang buwanang pension ng mahihirap na senior citizen na meron nang edad na 70 taong gulang.

SENIOR CITIZEN ALLOWANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with