^

Bansa

Death toll sa Cebu landslide, 29 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Death toll sa Cebu landslide, 29 na
Bitbit ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isa sa apat na narekober pang bangkay sa gumuhong lupa sa Naga City, Cebu kahapon.
(Photo courtesy ng PCG)

MANILA, Philippines — Lumobo na sa 29  ka­tao ang death toll habang mahigit 60 pa ang missing sa landslide kamakalawa na tumabon sa 30 bahay sa Sitio Sindulan sa Naga City, Cebu.

Sa pinagsamang up­date nina Naga City Police P/Chief Inspector Rode­rick Gonzales at Office of Civil Defense (OCD) Region 7 spokesman Julius Regner, kabilang sa mga nasawi ang 4 anyos na batang babae na si Althea Siton; Olivia Moral, 63; Abel Lobiano, 40; Romeo Jabonilla, 40; Francisco Yopac, 60; Mark Campanilla, 3; Vianca Versales, 19; Raul Gepuit, 47; Laura Capoy, 52; kambal na sanggol na may apelyidong Campanilla; Niña Siton; Crystal Jean Sition, Lauro Campanilla, Juanito Siton, 42;  Emilia Siton, 65 at lima pang hindi pa nakilala  kabilang ang isang babae.

Bandang alas-6 ng umaga nitong Huwebes ng maguhuan ng bundok ang 20 bahay sa Brgy. Tinaan at 10 naman sa Brgy. Naalad.

Base sa text, sinabi ng mga rescuers na isa sa mga residente ay pinasahan pa nila ng load na nagawang masabi na malapit lamang sila sa mga nagba-backhoe sa bukana sa lugar.

Bukod sa dalawang backhoe ay gumamit na rin ng mga K9 dogs para mapabilis ang pagtukoy sa mga posible pang survivors.

Sinasabing bago ang insidente ay nakaranas ng malalakas na pag-ulan sa lugar na tuluyang nag­paguho sa bundok dito na ang itinuturong sanhi ay ang quarrying operations.

Nauna na ring nagbabala ang mga opisyal ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na may bitak na ang lupa at delikado na ito sa landslide. 

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with