^

Bansa

Digong nagalit sa panibagong landslide

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong nagalit sa panibagong landslide
Sinabi Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa kasi nakakaba­ngon at nakakabawi sa “killer landslide” sa Itogon, Benguet, ay may kasunod agad na dagok sa ating mga kababayan dahil naman sa landslide sa Cebu kahapon.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nagalit si Pangulong Duterte sa nangyaring landslide sa Naga City sa Cebu kung saan mahigit 20 katao ang nasawi at nasa 60 pa ang nawawala.

Sinabi Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa kasi nakakaba­ngon at nakakabawi sa “killer landslide” sa Itogon, Benguet, ay may kasunod agad na dagok sa ating mga kababayan dahil naman sa landslide sa Cebu kahapon.

Ayon kay Sec. Roque, lalo lamang nabubuo ang pananaw ni Pangulong Duterte na hindi nakabubuti sa bayan ang pagmimina.

Inihayag ni Roque na magkakasunod na ang hindi magagandang pangyayaring may kinalaman sa pagmimina at quarrying na nagdudulot ng trahedya.

Magugunita na pinasuspinde na ni DENR Sec. Roy Cimatu ang small-scale mining operations sa Cordillera Administrative Region (CAR) kasunod ng Itogon landslide.

Maging si Pangulong Duterte ay nagpahiwatig na hindi mabuti para sa bansa ang pagkakaroon ng mining operations dahil nasisira nito ang kapaligiran.

“Noon pa gusto ko na talagang pigilin but were it not for the fact that it’s allowed by law and if it’s allowed by law little could I do anything about it. I cannot stop mining because I’m not allowed to abrogate any law here. But I want to stop it because it has created a monster in this country,” pahayag pa ni Duterte noong bumisita ito sa Isabela.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with