^

Bansa

Search operations sa Itogon ipinatigil muna

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Search operations  sa Itogon ipinatigil muna
Ayon sa OCD CAR, ito’y matapos na makitaan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng panganib na muling gumuho ang bundok partikular na sa Brgy. Ucab na maraming biktima ang nalibing nang buhay.
Cagayan Valley Facebook page

MANILA, Philippines — Dahil sa banta ng panganib, ipinatigil muna ng Office of Civil Defense (OCD) Cordillera Administrative Region (CAR) ang search operations para sa 40 pang nawawalang biktima na natabunan ng landslide sa  Itogon, Benguet sa kasagsagan ng pananalasa ni supertyphoon Ompong.

Ayon sa OCD CAR, ito’y matapos na makitaan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng panganib na muling gumuho ang bundok partikular na sa Brgy. Ucab na maraming biktima ang nalibing nang buhay.

Nasa 29 bangkay na ang narekober sa nasabing mining site sa Brgy. Ucab.

Samantala, sa pinakahuling report ng PNP, 95 na ang narerekober na mga bangkay mula sa mga lugar na grabeng sinalanta ng bagyong Ompong sa Northern at Central Luzon gayundin sa National Capital Region (NCR).

 Sa nasabing bilang ay 79 ang namatay sa Cordillera Region, tatlo sa Central Luzon, isa sa Region 1, dalawa sa NCR at 10 sa Region 2.

Sa report naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa P 17.9 ang pinsala sa imprastraktura at  agrikultura sa Region 1, II, III, Cordillera, Calabarzon at NCR.

vuukle comment

LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with