^

Bansa

Landslide uli: 100 nalibing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Landslide uli: 100 nalibing
Ang gumuhong quarry site sa Bgy. Tinaan, Naga City, Cebu na tumabon sa 30 kabahayan sa lugar. Puspusan ang rescue operations para masagip ang natabunang mga trabahador at kanilang pamilya.
Aldo Banaynal

MANILA, Philippines — Nasa 100 katao ang pinangangambahang natabunan habang 12 bangkay na ang narekober at 8 naman ang nasugatan matapos maguhuan ng bundok sa isang quarry site ang nasa 30 kabahayan sa Naga City, Cebu kahapon ng umaga.

Sa ulat ni C/Insp. Ro­derick Gonzales, acting Chief of Police ng Naga City Police, dakong alas-6 ng umaga nang mangyari ang landslide sa quarry site sa Sitio Sindulan sa pagitan ng Brgy. Tinaan at Brgy. Naalad. 

Ayon kay Gonzales, nasa 12 pa lamang bangkay ang narerekober, lima sa mga ito ay kinilalang sina Beatrice Hope Chavez, 4 taong gulang; Olivia Mora, 63; Abel Lobiano, 40; Romeo Jabonilla, 40 anyos at Shiela May Campanilla, 24. Patuloy namang kinikilala ang iba pang narekober na labi.

Isinugod naman sa pagamutan ang walo sa mga sugatang sina Rose Ann Lobiano, 40; Christopher Cemeller, 44; Nestor Capoy, 52 at Junalyn Siton, 16 at apat na iba pa.

Sa imbestigasyon, bago ang insidente ay ilang araw nang nakakaranas ng malalakas na pag-ulan sa lugar hanggang sa gumuho ang bahagi ng bundok na tumabon sa nasa 30 kabahayan.

Sinabi ni Gonzales na nasa 20 kabahayan ang natabunan sa Brgy. Tinaan habang lima hanggang 10 kabahayan sa Brgy. Naalad. 

Ang mga natabunan, ayon sa opisyal ay mga trabahador sa quarry site at kanilang mga pamilya.

“We are now in the crucial time that’s why pinapabilis natin ang pagsagip sa may mga signs pa of life. Hindi magagamit ang heavy equipment tulad ng backhoe because napaka lambot ng lupa. Kapag nag­hukay ka, biglang gumuguho ulit,” ani Gonzales na sinabi pang krusiyal ang rescue operations.

Sabi pa ni Gonzales na hindi pa sila nawawalan ng pag-asa na may marerekober na buhay matapos na bandang alas-11 ng umaga kahapon ay nakapag-text pa ang isang pamilya na may anim na miyembro na buhay pa sila.

Nabatid na lumambot ang lupa na siyang naging sanhi ng landslide at hindi pa ito maaaring gamitan ng heavy equipment kaya manu-mano at maingat ang isinasagawang pag­huhukay.

Nabatid naman kay Julius Regner, spokesman ng Office of Civil Defense (OCD) 7 na bago ang insidente ay namonitor ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na may bitak na ang nasabing bundok sanhi ng quarrying operation.

vuukle comment

NAGA CITY CEBU LANDSLIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with