^

Bansa

6 mayor pa iimbestigahan sa ‘Ompong’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
6 mayor pa iimbestigahan sa �Ompong�
Ayon kay Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) Undersecretary Bernardo Florece Jr., mula sa inisyal na 10 alkalde ay anim pa ang nadagdag sa mga inirereklamong Local Chief Executives (LCEs).
Sarangani Communications Service

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 16 mayor ang isasailalim sa masusing imbestigasyon at namemeligrong masibak sa puwesto kapag napatunayang wala sa kanilang mga hurisdiksyon sa pana­nalasa ng super typhoon Ompong. 

Ayon kay Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) Undersecretary Bernardo Florece Jr., mula sa inisyal na 10 alkalde ay anim pa ang nadagdag sa mga inirereklamong Local Chief Executives (LCEs).

Gayunman, tumanggi muna si Florece na tukuyin ang pagkakakilanlan ng nasabing mga alkalde na mula sa Cagayan at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa tinanggap na reklamo ng DILG, pawang absent sa kanilang mga lugar ang nasabing mga alkalde na nagsialis sa kanilang mga bayan bago pa man humagupit si Ompong.

Sinabi ni Florece na bibigyan ng limang araw ang mga alkalde para magpaliwanag.

Kapag napatunayang guilty o hindi nakapagbigay ng magandang rason o kadahilanan ang mga alkalde ay kakasuhan nila ang mga ito sa Sangguniang Panlalawigan o sa tanggapan ng Office of the Ombudsman.

Ang nasabing mga alkalde ay maaring masuspinde ng isa hanggang anim na buwan o madismis sa kanilang puwesto dahil sa kapabayaan sa tungkulin.

Kaugnay nito sa update ng PNP, umaabot na sa 88 ang nasawi sa bagyong Ompong habang 64 ang patuloy na pinaghahanap.

vuukle comment

BERNARDO FLORECE JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with