^

Bansa

Bagong LPA papasok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bagong LPA papasok
Ayon kay Gener Quitlong, meteorologist ng PAGASA, ang LPA ay namataan may 2,300 kilometro ang layo mula sa Mindanao at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
www1.pagasa.dost.gov.ph

MANILA, Philippines — Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) na naman ang namataan ng PAGASA na papasok sa Pacific coast ng Pilipinas.

Ayon kay Gener Quitlong, meteorologist ng PAGASA, ang LPA ay namataan may 2,300 kilometro ang layo mula sa Mindanao at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

 Inaasahang pagsapit ng Linggo o Lunes ay ma­ging ganap na itong bagyo, na papangalanang Paeng.

Posible naman uma­nong hindi mag-landfall o tumama sa kalupaan ang bagyo, ngunit maaa­ring lumapit ito sa area ng Batanes at palakasin ang habagat, na maaaring magdulot ng mga pag-ulan sa lugar.

Noong nakaraang weekend ay nanalasa sa Luzon ang bagyong Ompong, na siyang itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon.

vuukle comment

LOW PRESSURE AREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with